Department of Justice, nangakong magdedesisyon sa usapin ng 90 katao sa pagkasawi ng mga pulis sa Mamasapano
NANGAKO ang Kagawaran ng Katarungan na lulutasin ang usapin laban sa 90 kataong ipinagsumbong sa pagkasawi ng mga pulis mula sa Special Action Force sa Maguindanao sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.
Ayon kay Justice Secretary Emmanuel Caparas, sapat na ang panahon para sa mga tagausig na may hawak ng usaping direct assault with murder and theft na nagmula sa Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Freedom Fighters kasama na ang private armed groups.
Hindi umano makaka-apekto ang pagbubukas na muli ng pagdinig sa Senado sa kanilang hawak na usapin. Magugunitang tinapos nan g isang lupon ng mga taga-usig ang preliminary investigation noong nakalipas na ika-14 ng Enero.
Aapat lamang sa 90 akusado ang nagparating ng kanilang counter=affidavit6s samantalang ang karamihan ay walang anumang reaksyon.
1 2 3 4