|
||||||||
|
||
Dating AFP Chief of Staff, napuno na kay Director Napeñas
HINDI na nakapagpigil ang Armed Forces of the Philippines sa diumano'y mga kasinungalinan ni dating Special Action Force Director Getulio Napeñas sa pagsisimula ng pagdinig ng Senado kahapon.
Ayon kay retired General Gregorio Catapang, hindi na kumibo ang Armed Forces of the Philippines sapagkat nasa active service pa si Director Napeñas at ayaw nilang magkaroon ng sisihan.
Ito ang sinabi ni General Catapang sa isang pahayagan kanina. Magugunitang si Napeñas ang director ng PNP Special Action Force na nalagasan ng 44 katao sa napalpak na operasyon noong nakalipas na taon. Sinibak si Napeñas sa puwesto kaagad-agad at nagretiro sa serbisyo noong nakalipas na Hulyo.
Sa pagreretiro ni Napeñas, maaari nang pag-usapan ang technical lapses nang hindi maaapektuhan ang imahen ng pulisya.
Idinagdag pa ni Major General Angelito de Leon, dating military operations chief, na si Napenas ang uri ng tao ng maninisi sa lahat liban sa kanyang sarili. Hindi man lang sinabihan ang mga militar sa ginawang sensitibong operasyon, dagdag pa ni General de Leon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |