|
||||||||
|
||
Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa huling tatlong buwan
LUMAGO ang ekonomiya ng bansa ng mga 6.4% sa huling tatlong buwan ng 2015 kaya't umabot sa 5.8% ang taunang kaunlaran nong 2015.
Ang economic expansion ng Pilipinas noong 2015 ay mas mabagal sa 6.1% growth noong 2014. Mas mababa ito sa target ng Aquino Administration na mula 7 hanggang 8%.
Sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang 2015 growth ay nagbigay ng anim na taong average ng 6.2% ang pinakamataas mula noong mga huling taon ng 1970.
Ang ikapat na tatlong buwan ng 2015 ay unang inasahang magkakamit ng pinakamataas na kaunlaran sa buong taon subalit mas mabagal ito sa 6.,6% na nakamtan noong 2014.
Ang kaunlaran ng bansa, ayon sa gross domestic product o buong halaga ng mga paninda at serbisyo na nagawa, ay mas mabagal sa inaasan subalit nalamapasan ang mga kalapit bansa.
Na sa likod ng Vietnam ang Pilipinas na namuno naman sa Southeast Asia sa pagkakaroon ng 6.68% growth dahil sa malakas na exports at record-high na foreign direct investments.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |