|
||||||||
|
||
20160204melo.mp3
|
Motions for reconsideration, ipinarating sa Korte Suprema
HIWALAY na naghain ng kanilang motion for reconsideration ang Bayan Muna party-list at si dating Senador Renato Saguisag sa naunang desisyong nagsabing ayon sa Saligang Batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sinabi ng Bayan Muna na ang EDCA ay hindi kasunduan na nagpapatulad ng mga naunang kasunduan ng dalawang bansa tulad ng Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement. Idinagdag pa ng grupo na ang kasunduan ay may mga probisyong hindi saklaw ng dalawang naunang mga dokumento.
Limitado rin ang poder ng pangulo ng bansa na makipagkasundo hinggil sa pagpasok ng mga banyagang kawal sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Senador Saguisag na ang pagtrato ng America sa Pilipinas ay hindi makabubuti sapagkat naging dahilan na ito ng pagpanaw ng libu-libong mga Filipino.
Apat na mahistrado ang bumuto na nagsasabing taliwas sa Saligang Batas ang EDCA sapagkat baka mawalan ng soberenya ang Pilipinas dahilan sa kasunduan.
Sinabi rin nina Associate Justice Teresita Leonardo de Castro, Arturo Brion, Estela Perlas-Bernabe at Marvic Leonen na ang EDCA ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng Senado.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |