Brodkaster, dumulog muli sa Commission on Elections
BUMALIK sa Commission on Elections ang brodkaster na si Ruben Castor at nagparating ng kanyang motion for reconsideration sa naunang desisyon ng Comelec First Division na nagbasura sa apat na petisyong humiling na tanggalin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa talaan ng mga kandidato sa pagkapangulo.
Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Oliver Lozano, hiniling ni Castor na baliktarin ang naging desisyon, isang araw matapos lumabas ang balitang pinawalang-saysay ang kanyang kahilingan.
Sa kanyang motion for reconsideration, sinabi ni Castor na hindi nagkaroon ng pagkakamali sa pagsasabing wala sa takdang panahon ang kanyang petisyon, naniwala rin ang First Division na talagang interesado si Martin Dino na tumakbo sa pagkapangulo at ang pagkakapawalang saysay sa kanyang petisyon ay dahilan sa hindi niya pagkakadalo sa preliminary conference.
Nanindigan si Castor na hindi angkop na tumakbo si Duterte sa pagkapangulo sapagkat ang Certificate of Candidacy ni Dino ay may diperensya kaya't walang saysay ang pagpasok sa eksena ni Duterte.
1 2 3 4