|
||||||||
|
||
Tapatan sa Aristocrat, paksa ang EDSA at iba pang isyu ng bayan
SENADOR JUAN PONCE ENRILE, MAY PANAWAGAN. Sinabi ni Senador Juan Ponce Enrile na kailangang magpaliwanag si US Ambassador Philip Goldberg kung bakit naglaan ng US$ 5 milyon para sa pagkakadakip sa teroristang si Marwan. Naunang binanggit ni Ambassador Goldberg na hindi maidedetalye sa publiko ang operaston ng America at Pilipinas laban sa mga terorista. Dadalo si Senador Enrile sa Tapatan sa Aristocrat sa Lunes. (Senate Photo)
MAGIGING mainit ang talakayan sa Lunes, ikawalo sa buwan ng Pebrero sa Tapatan sa Aristocrat. Pangungunahan ni Senador Juan Ponce Enrile ang mga panauhin na magbabalik tanaw sa naganap na Edsa People Power 1 noong 1986.
Kabilang din sa paksang pag-uusapan ang pahayag ni Senador Enrile kanina na kailangang ipaliwanag ni American Ambassador to the Philippine Philip Goldberg kung bakit nag-alok ang kanyang bansa ng US$ 5 milyon para sa pagkakadakip kay Marwan.
Naunang binanggit ni Ambassador Goldberg na hindi nararapat pag-usapan sa publiko ang detalyes ng mga operasyon ng America at Pilipinas laban sa mga terorista.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |