|
||||||||
|
||
KALUSUGAN ang naging dahilan ng pag-atras ni Roy Seneres sa kanyang kandidatura sa panguluhan. Isang kinatawan ng kandidato ang nagtungo sa Commission on Elections upang dalhin ang kanyang liham.
Pinayuhan umano si G. Seneres ng kanyang manggagamot na lumayo sa stress dahilan sa kanyang karamdamang diabetes. Kailangan umano niyang umatras upang huwag nang magkaroon pa ng komplikasyon ang kanyang karamdaman.
Hindi tinanggap ng Comelec Law Division ang liham sapagkat kailangang personal niyang dalhin ang kanyang liham ayon sa mga alituntunin ng tanggapan. Hindi naman ito nangangahulugan na tinatalikdan na niya ang kanyang adbokasiya para sa mga manggagawang Filipino at kanilang mga mahal sa buhay.
Kasama pa ang pangalan ni Seneres sa talaan ng mga kandidato kasabay ng kanyang pag-atras. Naunang lumabas na pinakiusapan si Seneres ng dalawang mahistrado na umatras na upang pagbigyan ang kandidatura ng kanilang kasama sa fraternity na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Binanggit pa ang mga pangalan nina Justice Jose Catral mendoza at Bienvenido Reyes. Tinanggihan naman ni G. Seneres ang akusasyon.
Magkasama sina Seneres at Duterte sa fraternity na Lex Talionis.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |