Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Presidential candidate Roy Seneres, umatras na

(GMT+08:00) 2016-02-05 18:46:59       CRI

Asian Infrastructure Investment Bank, makakatulong sa Pilipinas

NANINIWALA si Dr. Francis Chua, dating pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. na malaki ang magagawa ng Asian Infrastructure Investment Bank hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa mga bansa sa rehiyong nangangailangan ng mga pagawaing-bayan.

Sa isang panayam, sinabi ni G. Chua na dating Special Envoy ng Pilipinas sa larangan ng kalakal sa Tsina, na may sapat na salapi ang Pilipinas para sa mga pagawaing bayan subalit makakatulong din ang salaping magmumula sa AIIB na kinabilangan ng Pilipinas bilang isang founding member.

Naghahanap din siya ng pangulong makatutugon sa maraming isyung kinakaharap ng bansa. Hindi magkakaroon ng pagkakahiwa-hiwalay ang mga mamamayan kung maayos ang liderato.

Sa katanungan kung maaaring magsabay ang kaunlaran at inclusive growth, sinabi ni G. Chua na halos lahat ng bansa ay mithing maganap ito upang tuwirang umunlad ang kanilang mga mamamayan. Kahit sa katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation Meeting noong nakalipas na Nobyembre ay pinagtuunan ng pansin ang inclusive growth.

Kahit ang mauunlad na bansa ay mayroon ding mga mamamayang hindi pa nakakaahon sa kahirapan. Mas maganda kung magkakaroon ng Private Public Partnership hanggang sa magkaroon ng 100 percent na pangangapital ng mga banyaga. Nararapat lamang payagang pumasok ang mga mangangalakal mula sa iba't ibang bansa basta't pakikinabangan ng mga mamamayan ang kanilang kalakal.

Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, sinabi ni Dr. Chua na mas makabubuting maging mabuting kaibigan ng lahat tulad rin ng mensahe ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa pagdiriwang ng Embahada ng Tsina sa Maynila kamakatlo ng gabi.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>