|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kuryente sa Kalakhang Maynila tataas
MATAPOS ang pagbaba ng halaga ng kuryente ng P 2.28 sa bawat kilowatt hour sa nakalipas na siyam na buwan, ibinalita ng Meralco na tataas ang halaga nito para sa residential customers ng may P0.42 sa bawat kilowatt hour ngayong Pebrero.
Sa karaniwang kumukonsumo ng 200 kilwatt hours sa bawat buwan, madarama ang pagtaas ng bayarin sa halagang P85.
Sa halagang P8.82 sa bawat kilowatt hour, ang buwanang rate ay mas mababa ng P 1.69 sa bawat kilowatt hour kung ihahambing sa halaga nito noong nakalipas na Pebrero 2015 na umabot sa P 10.51 sa bawat kilowatt hour.
Ayon sa Meralco, ang increase sa overall rates ay bunsod ng pagtaas na generation charge na umabot sa P0.25 sa bawat kilowatt hour sa nakalipas na buwan. Sa halagang P4.17 bawat kilowatt hour, ang generation charge ngayong Pebrero ay mas mababa ng P1.07 sa bawat kilowatt hour kung ihahambing sa singil noong Pebrero 2015 na umabot sa P 5.24 sa bawat kilowatt hour.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |