Pilipinas, nababahala sa paglulunsad ng rocket ng Hilagang Korea
NANAWAGAN ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas sa Democratic People's Republic of Korea na huwag magpadalos-dalos sa paglulunsad nito ng sariling rocket patungo sa himpapawid sapagkat lalabag ito sa mga probisyon ng mga resolusyon ng United Nations Security Council.
Sa isang pahayag, sinabi ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na nananawagan sila sa Democratic People's Republic of Korea na huwag ng ituloy pa ang balak na ito sapagkat mapapasapanganib ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at ng buong daigdig.
1 2 3 4 5 6