|
||||||||
|
||
Balasahan sa National Bureau of Investigation, sisimulan na
MALAWAKANG balasahan ang ipatutupad ng National Bureau of Investigation sa pinakamadaling panahon. Ito ay bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Sa nakalipas na dalawang taon, namuno ang NBI sa mga imbestigasyon sa malalaking usapin na kinabibilangan ng daan-daang mga politikong sangkot sa pork barrel scam.
Ayon kay Director Virgilio Mendez ng NBI kailangan itong gawin bilang paghahanda sa darating na halalan at upang mapakinabangan ng tanggapan ang abilidad ng kanilang mga tauhan sa angkop na destino.
Kasama sa mababalasa ang mga regional director ng NBI sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |