Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo, sinimulan na

(GMT+08:00) 2016-02-22 17:32:43       CRI

Election results, napakaaga pang pag-usapan

MAHALAGA ANG SURVEYS.  Ayon kay G. Nicco de Jesus (dulling kaliwa), Pangulo ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines na kung maayos itong gagawin ng mga propesyunal, makikita ang tunay na larawan ng kaisipan ng mga mamamayan.  Ito ang kanyang binanggit sa katatapos na "Tapatan sa Aristocrat" KANINA.  (Melo M. Acuna)

MABUWAY pa ang kalalabasan ng darating na halalan sa ika-siyam ng Mayo ng taong ito. Ito ang nagkakaisang paninindigan at pananaw nina G. Dennis M. Arroyo, board member ng Social Weather Stations, G. Nicco de Jesus, pangulo ang Marketing and Opinion Research Society of the Philippines, Gng. Carmelita N. Ericta, dating Civil Registrar General at Administrador ng National Statistics Office at De La Salle University Professor Gerardo V. Eusebio sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat.

Ipinaliwanag ni Gng. Ericta na mayroong higit sa 100 milyong mga Filipino at sa bilang na ito aabot sa 52 hanggang 54 milyong botante. Karamihan ng mga botante ngayon ay ang tinaguriang millenials, mga kabataang isinilang no dekada otsenta.

Isang malaking hamon sa mga kandidato kung paano maipararating ang kanilang mga mensahe sa mga kabataan na may maligamgam na pananaw sa darating na halalan. Kailangan ding mabatid kung gaano kalaki ang bilang ng mga kandidatong hindi papayagang makaboto sapagkat walang sapat na biometrics.

BASE SA AGHAM ANG SURVEYS.  Ito naman ang sinabi ni G. Dennis M. Arroyo (gitna), member of the board ng Social Weather Stations, sa "Tapatan sa Aristocrat" kanina.  Na sa larawan din si Gng. Carmelita N. Ericta, dating Civil Registrar General na nagsabing mula sa 100 milyong Filipino, mula 52 hanging 54 na million ang mga botante. (Melo M. Acuna) 

Scientific ang ginagawang pagsusuri ng Social Weather Stations upang makamtan ang pinakamaayos at magaling na survey. Ani G. Arroyo, ginagamitan nila ng teknolohiya ang pagkuha ng mga tutugon sa kanilang surveys.

Mahalaga rin ang surveys upang mabatid ng mga kandidato ang kanilang lakas at kahinaan at nang sa ganoon ay mapaghandaan ang mga ito bago pa man sumapit ang mga gagawing surveys na kalalahukan ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pagka-pangalawang pangulo at mga senador.

Mas makabubuting mabatid ng mga kandidato ang mga paksang nais marinig ng mga mamamayan nang sa ganoon ay tumalab ang kanilang mga mensaheng inihahanda para sa pagpapatuloy ng kampanya.

Maliwanag kay Professor Gerardo Eusebio ng De La Salle University ang pagkakaroon ng mga debate upang lumabas kung sino sa mga kandidato ang nararapat iboto ng mga mamamayan. Marapat ding maging maliwanag ang mga isyu at programang kailangang ipatupad upang umunlad ang bansa.

Sa kanyang presentation, ipinakita ni G. Dennis Arroyo na halos naging bullseye ang kanilang ginawang survey sa mga nagwagi noong nakalipas na 2010 at 2013 elections tulad ng napakalapit na diperensya ng kanilang survey at ng exit polls na ginawa ng taga ABC-5. Ayon kay G. Arroyo, halos wala sa isang porsiyento ang agwat ng kanilang survey results at ng exit polls.

Hindi biro ang pagsasagawa ng surveys kayat ang SWS, ang Pulse Asia at maging Marketing and Opinion Research Society of the Philippines kaya't tanging hanggang 1,200 survey participants ang kanilang nakakasama.

Sa panig ng Philippine Statistics Authority na noo'y National Statistics Office, sinabi ni Gng. Ericta na umaabot sa P 2.6 bilyon ang kanilang pagsasagawa ng census sa buong bansa. Bagaman, inamin din niyang may kahirapan ding mangalap ng datos sa buong bansa.

Niliwanag ng grupo ng resource persons na ang pinakahuling survey (sa buwan ng Abril) ang lalabas na pinakamahalaga para sa mga mamamamayn at maging mga kandidato.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>