|
||||||||
|
||
Sapat na bigas para sa Batanes, tiniyak
MAY SAPAT NA BIGAS SA BATANES. Ito ang tiniyak ni NFA Administrator Renan Dalisay (may mikropono) sa kanyang pagharap sa mga mamamayan ng Batanes na maalas dalawin ng malalakas na bagyo. (NFA Photo)
TINIYAK National Food Authority Administrator Renan B. Dalisay na mayroong sapat na bigas para sa may 16,000 mamamayan ng Batanes, ang lalawigang madalas dalawin ng malalakas na bagyo.
Umaasa ang mga taga-Batanes sa bigas na mula sa National Food Authority. Ang commercial rice ay mabibili sa halagang mula P50 hanggang P 60 bawat kilo samantalang ipinagbibili lamang ng NFA ang bigas sa halagang P 27 hanggang P 32 bawat kilo para sa regular at well-milled rice.
Dumalaw sa Batanes si Administrator Dalisay at sinuri ang rick stock sa lalawigan at nakausap ng mga nagtitinda ng bigas. Tiniyak niyang sapat ang supply ng bigas at mayroong bigas mula sa NFA na ipinagbibili sa buong lalawigan. Mayroong 207 rice retailers sng NFA sa Batanes.
Umaabot sa 9,800 bag ng bigas sapat para sa mga mamamayan sa loob ng 85 araw, dagdag pa ni Administrator Dalisay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |