Mga magsasakang biktima ni "Yolanda" sa Samar, nanawagan
NAGSAMA-SAMA ang higit sa 800 magsasaka mula sa mga bayan ng Marabut, Basey at Sta. Rita sa Western Samar na pawang biktima ni "Yolanda" upang manawagan sa pamahalaan sa matagal na nilang kailangang patubig, pagpapatupad ng repormang agraryo, kawal ng mga de kalidad na binhi at mga lansangang magagamit sa pagdadala ng kanilang mga ani sa kabayanan.
MGA MAGSASAKA SA SAMAR, NAG-RALLY. Humiling ang mga magsasaka ng tatlong bayan sa Western Samar na nawang biktima ni "Yolanda" halos tatlong taon na ang nakalilipas ng kaukulang tulen spang makabangon sa kahirapan. (DSAC Photo)
Kailangan din umano ng kapital at makinarya, pagpapahusay ng kanilang industriya ng niyog at kaukulang health at crop insurance. Sa naganap na Farmers' Summit noong Biyernes, humarap naman ang mga kinatawan ng pamahalaan sa pangunguna ng gobernador, punongbayan at mga tauhan ng Kagawaran ng Pagsasaka, Kalakal at iba pa.
Sa hagupit ni "Yolanda" magtatatlong taon na ang nakalilipas, sa tulong na Social Action Center, nasanay ang mga magsasaka upang maging mga mangangalakal upang madagdagan ang kita.
1 2 3 4