|
||||||||
|
||
Pinuno ng PPP, nagbitiw
NAGBITIW na ang pinuno ng Public-Private Partnership Center. Mga isyung pangpamilya ang kanyang dahilan.
Ayon sa lumabas na balita, tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang irrevocable resignation ni Executive Director Cosett Canilao.
Pinasalamatan naman ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. si Bb. Canilao sa kanyang paglilingod sa pamahalaan sa isang liham na may petsang ika-15 ng Pebrero. Nagsumite ng kanyang resignation letter si Canila noong ika-27 ng Enero at magkakabisa mula sa ika-walo ng Marso.
Sumang-ayon sa pagbibitiw si dating NEDA Director General Arsenio Balisacan sa pagbibitiw ni Bb. Canilao.
Nahirang siya sa puesto noong Setyembre ng 2011. Dalawampung taon ang kanyang ginungol sa pagpapayo sa investment banking at corporate banking bago siya nahirang sa PPP Center.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |