Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Grace Poe, kinilala na ang pinagmulan ng mga eroplano

(GMT+08:00) 2016-02-23 15:11:31       CRI

Tsina, malaking impluwensya sa pandaigdigang kalakal; mga pagbabago sa Pilipinas, kailangan

MAHALAGA ANG REBALANCING NA GINAGAWA NG TSINA. Ito naman ang sinabi ni Dr. Shanaka Jayanath Peiris, Resident Representative ng International Monetary Fund sa Pilipinas. Malaking pagbabago ang mula sa export-oriented economy tungo sa domestic consumption, dagdag pa ni Dr. Peiris. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Bb. Maria Victoria Espano, chairman at pangulo ng Punongbayan & Araullo na malaki ang epekto ng pagbabago sa Tsina sa larangan ng kalakal sa rehiyon at sa buong daigdig.

Sa kanyang reaksyon sa presentation ni Dr. Shanaka Jayanath Peiris ng International Monetary Fund sa Pilipinas, sinabinang maaaring hindi madama ng Pilipinas ang epekto ng nagaganap sa Tsina kung exports ang pag-uusapan. Subalit idinagdag niya na may mga kumpanyang malaki ang exports ng mga Taiwan, Vietnam at Thailand na mayroong mga manggagawang Filipino. Ang anumang pagbagal ng kalakl ay magiging dahilan ng pagtanggal ng mga maggagawa at magiging dahilan ng mas mababang remittances sapagkat magtitipid ang mga kumpanyang ito upang matustusan ang kanilang mga tanggapan sa Tsina.

Ang mga kalakal sa America at Europa ay maaaring mabawasan ang exports sa Tsina kaya't magbabawas din ng mga manggagawa.

Sa ganitong pagkakataon, sinabi ni Bb. Espano na kailangang magkaroon ng isang bagong lider ng bansa na makakaunawa ang mga nagaganap na ito upang maisaayos ang mga programang magpapa-angat sa Pilipinas.

Hindi umano nagbabago ang mga problema ng bansa tulad ng pangangailangan ng trabaho, pangangailangang magkaroon ng bagong investors, kakulangan ng farm-to-market roads at iba pang pagawaing bayan, mga katiwalian at iba pa.

Kailangang magkaroon ng panandalian at matagalang solusyon kaya't kailangan ang isang strategic approach upang malutas ang problemang kinakaharap ng bansa.

Iminungkahi niyang magkaroon ng pagbabago at masusing pag-aaral sa larangan ng pagbubuwis. Ang pinapasan ng middle-income families sa Pilipinas ay pareho din ng pinapasan ng mayayaman sa lipunan. Hindi rin nakakatulong ang mga batas sa pagbubuwis sa mga bago at nasisimulang mga kalakal. May tax exemptions para sa iba't ibang antas ng kita suablit ang kalakarang ito ang dahilan ng patuloy na under-declaration ng kita ng mga kumpanya upang makaiwas sa buwis.

Maraming mga Filipino na handang magbayad ng tamang buwis kung simple at madaling sundan ang sistema ng pagbubuwis, dagdag pa ni Bb. Espano.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>