|
||||||||
|
||
Mga pagbabago sa Tsina, minamatyagan ng mga kalapit-bansa
SINABI ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. na
MALAKI ANG PAPEL NG TSINA SA EKONOMIYA. Ito ang sinabi ni Gov. Amando Tetangco, Jr., Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa isang panama sa 3rd Business Forum na itinaguyod ng The Manila Times kanina. Maganda umanong makabalita sa Tsina kung ano ang kanilang gagawin sa madaling panahon. (Melo M. Acuna)
nagmamatyag ang iba't ibang bansa sa rehiyon sa nagaganap na pagbabago sa Tsina sapagkat ang bansang ito ang pangalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Sa isang panayam sa pagtatapos ng kanyang talumpati sa "Third Busines Forum" ng Manila Times, sinabi ni Governor Tetangco ang stock-market sa Tsina ay nagkaroon ng mga pagbabago. Ano man ang mga pagbabagong magaganap sa mga palatuntunan at programa nito ay makaapekto sa daigdig.
Ani Governor Tetangco, nagbabago ang Tsina mula sa isang export-oriented economy ay nagtutungo na ito sa domestically-driven economy na kinatatampukan ng paggasta ng mga mamamayan. Magkakaroon ng adjustments na inaasahang lalago pa ng higit sa 6% at isang mahalagang pag-unlad ang magaganap.
Mas magiging mahalaga ang ibabalita ng Tsina kung ano ang magaganap sa larangan ng ekonomiya upang makapaghanda rin ang mga kalapit-bansa. Mas makabubuting ipaliwanag nila ang mga napipintong pagbabago sa pinakamadaling panahon, dagdag pa ni G. Tetangco.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Shanaka Jayanath Preiris, mahalaga ang ginagawang rebalancing ng Tsina sa larangan ng ekonomiya. Si Dr. Peiris ang kinatawan ng International Monetary Fund Resident Representative sa Pilipinas. Magkakaroon ng epekto ito sa mga bansang nasa rehiyon tulad ng Pilipinas. Maaaring hindi gasinong malaki ang kaunlarang magaganap sa Tsina subalit mahalagang proseso ito upang madama ang mga kailangang pagbabago.
Policy continuity ang mahalaga sa mga bansang magkakaroon ng bagong lider tulad ng Pilipinas. Ipinaliwanag ni Dr. Preiris na mahalaga ito upang magpatuloy ang mga programang maghahatid ng kalakalan. Nagmamasid sila sa anumang mga katagang nagmumula sa mga kandidato sa pagka-pangulo.
Hindi umano magiging basehan ng kanilang maayos na pananaw ang mga debate subalit ang mga panayam na mas makabuluhan hinggil sa kanilang pangsariling programa upang matiyak ang kaunlaran.
Handa umano ang International Monetary Fund na makipag-usap sa sinumang magwawagi sa darating na halalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |