|
||||||||
|
||
Pag-iingat kailangan upang malabanan ang Zika virus
PAG-IINGAT KAILANGAN LABAN SA ZIKA VIRUS. Kahit ligtas ang mga Filipino at mga bandaging dadalaw sa Pilipinas, kailangang mag-ingat upang makaiwas sa Zika virus. Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Janette Garin na kailangang maglinis ang lahat upang maka-iwas sa dengue, chikungunya at Zika virus. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Health Secretary Janette Loreto Garin na kailangang mag-ingat at maglinis ang mga mamamayan upang makaiwas sa karamdamang dulot ng lamok na aedes.
Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Garin na ang lamok ang siyang pinagmumulan ng dengue, chikongunya at Zika virus. Kailangang maglinis ang lahat upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot na lamok.
Kasabay ito ng pagpapabulaan sa naunang lumabas sa social media na mayroong microcephaly cases sa Pilipinas. Kung mayroon man ay walang koneksyon ito sa Zika virus.
Nagkaroon na umano ng Zika virus ang isang batang lalaki noong 2012 at isang 49 na taong gulang na American national na dumalaw na sa Pilipinas noong ikalawang araw ng Enero. Nanirahan siya sa bansa hanggang noong ika-29 ng Enero. Pagdating sa Estados Unidos ay doon nabatid na mayroon siyang Zika virus.
Pinayuhan din ni Dr. Garin ang mga nagbabalak magdalang-tao na huwag na munang umalis ng bansa dahil sa peligrong idudulot ng Zika virus. Wala umanong katotohanan ang lumabas na impormasyong pagbabawalan ang mga manlalarong lalahok sa darating na Olympic Games sa Timog America.
Samantala, sinabi rin ni Secretary Garin may dulot na mga karamdaman ang El Niño tulad ng pangangailangan ng tubig kaya't hindi matatakpan at magkakaroon kaya't magkakaroon ng mapapangitlugan ang mga lamok at magkakaroon din ng red tide.
Hindi lamang sa Pilipinas mayroong mga lamok kaya't nanawagan siya sa mga turistang dadalaw sa bansa na mag-ingat sa mga lamok na nangangagat sa araw. Gumamit din ng repellant upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |