Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga senador, uminit ang ulo sa padinig sa money laundering

(GMT+08:00) 2016-03-15 17:52:59       CRI

Posibilidad na tumaas ang presyo ng kuryente, malaki

PRESYO NG KURYENTE NGAYONG MARSO, BABABA. Sinabi ni G. Jose Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO na naglilingkot sa may 5.6 milyong tahanan mula sa Metro Manila at kalapit-pook, na bababa ang singel sa kuryente ngayong Marso. Nagkataon lamang na may posibilidad na tumaas dahil sa tag-init at El Nino. (Melo M. Acuna)

SINABI ni G. Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Manila Electric Company (MERALCO) na may posibilidad na tumaas ang presyo ng kuryente pagsapit ng tag-init. Sa isang panayam, sinabi ni G. Zaldarriaga, na karaniwang tumataas ang konsumo ng mga mamamayan sa bawat tag-init kaya't malaki ang posibilidad na tumaas ang presyo nito.

Sa init na idudulot ng El Nino, mas maraming tao ang gagamit ng mga pampalamig at mga kagamitan nsa tahanan tulad ng electric fans at air conditioning units. Idagdag pa rito ang bakasyon ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo kaya't tiyak na tataas ang konsumo ng kuryente.

Bagaman, sinabi rin niya na sa buwan ng Marso ay bababa ka ng P 0.19 sentimos sa bawat kilowatt hour kung ihahambing sa presyo noong nakalipas na buwan.

Ang overall rate ng kuryente ngayon Marso ay aabot lamang sa P8.63 sentimos na mas mababa ng P1.79 sa halagang P10.42 sa bawat kilowatt hour noong Marso ng 2015.

Ang pagbaba at dahilan sa mas mababang generation charge na nabawasan ng P0.17 sa bawat kilowatt hour mula noong Pebrero ng 2016. Mas mababa rin ito ng P1.21 sa bawat kilowatt hour jat sa iverakk average generation charge noong Marso ng 2015 na P 5.21 sa bawat kilowatt hour. Ang generation charge ngayong Marso ay mas mababa ng P0.49 sentimos kay sa overall average generation charge noon ns P4.49 sa bawat kilowatt hour.

Bumaba ang presyo ng generation charge dahil sa mas magangang performance ng mga planta at mas mababang presyo ng kuryente. Ang mga planta na saklaw ng Power Supply Agreements (PSAs) na kinakitaan ng kabawasan ng P0.26 sa bawat kilowatt hour. Mula sa overall average dispatch level na 66% noong Enero, tumaas ito ng 72% noong Pebrero ng 2016.

Bumaba rin ang singil ng Independent Power Producers kahit pa tumaas ang presyo mula sa Wholesale Electricity Spot Market ng may P 0.63 sentimos sa bawat kilowatt hour.

Ang kuryenteng nagmumula sa PSAs (49.1%) at IPPs (45.6%) ay mahalaga para sa buong power requirements ng Meralco.

Umaabot sa 5,600,000 electric power consumers mula Metro Manila, Laguna, Quezon, Batangas, Rizal at Bulacan.

Ibinalita rin ni G. Zaldarriaga na nabawasan na nila ang systems loss sa pamamagitan ng dagdag na investments at pagpapaunlad ng kanilang mga pasilidad. Umabot sa 6.47% ang system loss o nagkakahalaga ng 6.47% na nangangahulugan ng kabawasan ng P 0.09 sentimos sa magiging singil sa bawat kilowatt hour.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>