|
||||||||
|
||
Remittances umabot sa US$ 2.2 bilyon noong Enero
LUMAGO ng may 3.2% ang salaping padala ng mga Filipino mula sa iba't ibang bansa noong buwan ng Enero kaya't natamo ang halagang US$ 2.2 bilyon. Ito ang ibinalita ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr.
Ang salaping ay mula sa land-based workers na may mga kontratang higit sa isang taon na nagkakahalaga ng US$ 1.78 bilyon. Kumita rin ang mga sea-based workers at land-based workers na mayroong maiiksing kontrata na umabot sa US$ 0.5 bilyon o US$ 500 milyon.
Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 2 bilyon noong Enero at tumaas ng 3.4% mula sa natamong salapi noong nakalipas na taon. Ang remittances mula sa land-based (US$1.6 bilyon) na lumawak ng 3% at sea-based (US$447 milyon) at lumago ng 4.6%.
Higit sa ¾ ng cash remittances ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Canada, Singapore, United Kingdom, Hong Kong, Qatar at Japan.
Ayon sa report ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nagsaad na mayroong 30.5% ng may 84,670 ang approved job orders ang naproseso. Kaailangan pa rin ng mga manggagwa sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan at United Arab Emirates.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |