|
||||||||
|
||
Petisyon laban sa pagpapatupad ng batas sa K-12, ibinasura
PINAWALANG-SAYSAY ng Korte Suprema ang petisyon ng mga guro, mag-aaral, magulang at iba't ibang samahan na pigilin ang pagpapatupad ng K-12 law, isang pambansang 12-taong basic education program.
Ilang mga petisyon ang ipinarating sa Korte Suprema na humihiling na pawalang-saysay ang Republic Act 10533 o K-12 Law.
Kabilang sa mga nagpetisyon ang Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines, Sentro ng mga Nagkakaisang Progresibong mga Manggagawa (SENTRO), Federation of Free Workers, National Confederation of Labor, Senator at Vice Presidential Aspirate Antonio Trillanes, IV, Magdalo Partylist, ang Suspend K-12 Coalition ni Prof. Rene Tadle ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippines, National Artist na si Bienvenido Lumbera, Congressmen Antonio Tinio ng ACT Teachers' Partylist, Neri Colmenares at Carlos Zarate ng Bayan Muna Partylist, Emmi de Jesus at Luz Ilagan ng Gabriela Partylist, Fernando "Ka Pando" Hicap ng Anakpawis at Terry Ridon ng Kabataan Partylist.
Sa isang press conference, sinabi ni Information Chief Atty. Theodore Ten a tinaggihan ng Korte Suprema ang kahilingang maglabas ng temporary restraining order at preliminary injunction.
Sinabi ng mga nagpetisyon na ang batas ay ipinasa ng walang konsultasyon kaya't hindi makakayanan ng mga mahihirap ang bagong kalakaran.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |