|
||||||||
|
||
Limang pook na pamamalagian ng mga kawal na Amerikano, kinilala
NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos kahapon sa limang pook na magkakaroon ng access para sa mga kawal na Americano sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ginawa ang pahayag sa pag-uusap na naganap sa Washington, na dinaluhan ng iba't ibang bansa. May anim na bansang Asiano ang may magkakasalabat na paghahabol sa mga kapuluan at bahagi ng karagatan.
Ayon sa balitang lumabas sa media outlets sa Maynila na magkakaroon ng access ang mga Americano sa Mindanao na ikinababahala ng Estados Unidos na pamugaran ng mga terorista.
Ang kasunduang tatagal ng sampung taon ay nilagdaan noong 2014 ng America at Pilipinas. Nabigyan lamang ng go-signal noong Enero matapos magdesisyon ang Korte Suprema ng Pilipinas na legal at ayon sa Saligang Batas ang kasunduang naganap.
Nabanggit na ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg na ang kasunduang ito ang magpapahintulot sa mga kawal at kagamitan ng America na makapag-ikot sa Pilipinas. Maaari ding magsagawa ng construction at makapaglagay ng mga kagamitan na kinabibilangan ng para sa mga humanitarian relief.
Niliwanag na rin ni G. Goldberg sa isang forum kamakailan na hindi magtatayo ng sariling base militar ang mga Americano, 'di tulad noong panahon bago sumapit ang 1992.
Ang mga pook na napagkasunduan ay ang Antonio Bautista Air Base sa Western Palawan, ang Lumbia Air Base sa Mindanao, Basa Air Base at Fort Magsaysay sa Luzon at Mactan-Benito Ebuan Air Base sa Cebu. Handang magsanay ang mga kawal ng America ng mga kawal ng Pilipinas subalit hindi naman ito bilang panglaban sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |