Speaker Belmonte, nanawagan sa mga kandidato na manahimik sa panahon ng Semana Santa
NANAWAGAN si Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. sa mga kandidato na manahimik muna sa susunod na linggo, partikular sa Semana Santa sapagkat ito'y panahon na pananalangin, pagsusuri ng sarili kasabay ng pagtutuon ng pansin sa pagsasakripisyo, kababang-loob, awa at pagmamahal sa mga mahihirap, pagbabalik-loob, pagpapatawad at pagtitika.
Idinagdag pa ni Sepaker Belmonte na mas makabubuting iwasan na muna ang pagbabatuhan ng putik at pagkakalat ng kasinungalinan sa Semana Santa sapagkat panahon ito upang pagnilayan kung paano makapaglilingkod sa mga mamamayan.
1 2 3 4