|
||||||||
|
||
Pitong armado, isang kawal patay sa sagupaan
PITONG pinaghihinalaang armadong kasapi ng Abu Sayyaf at isang kawal ang nasawi sa sagupaang naganap sa isang barangay sa Patikul sa Sulu.
Ayon kay BGeneral Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, mayroon pang 17 mga kawal ang nasugatan. Anim na armado ang nabalitang nasugatan.
Kabilang sa mga nasugatan ang sinasabing Abu Sayyaf leader na sa Radullan Sahiron.
Walang nabawing labi ang mga kawal sa pook ng sagupaan. Idinagdag pa ni General Arrojado na nasagupan ng mga kawal ng 10th Infantry Battalion ang may 100 armadong kalalakihan na nasa ilalim ng isang putol ang kamay na si Sahiron sa Sitio Maggi, Barangay Panglayahan, Patikul kahapon ng umaga. Higit sa isang oras ang kanilang sagupaan.
Naglaan ang America ng US$ 1milyon sa pagkakadakip kay Sahiron liban sa P 5 milyong inialok ng Pamahalaan ng Pilipinas. Nagpadala na ng dagdag na tauhan si General Arrojado sa pook upang habulin ang mga armado.
Dalawang military helicopters ang ginamit sa evacuation ng mga sugatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |