Senador, ipinadarakip ng Sandiganbayan
INUTUSAN ng Sandiganbayan na dakpin ni Senador Joseph Victor "JV" Ejercito at limang iba pa na diumano'y nagkasala sa kasong misuse of calamity funds sa pagbili ng mga baril para sa San Juan City noong siya ay punong –lungsod pa.
Inirekomenda ng Fifth Division ang piyansa para sa pansamantalang paglaya sa halagang P 30,000 sa bawat reklamo.
Sumangayon ang Sandiganbayan sa naunang desisyon ng Office of the Ombudsman na upang masuporthan ang records ng preliminary investigation. May sapat umanong dahilan upang ipagsakdal ang dating punong-lungsod at ngayo't senador ng republika. Saklaw ng warrants of arrest sina Rosalinda Estrella Marasihan Romualdo Corpuz delos Santos, Lorenza Catalan Ching, Danila Salcedo at Actare Ranulfo Barte Decalos.
Nilagdaan ang kautusan ni Chairperson Rafael R. Lagos.
1 2 3 4