Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, punong-abala sa ikawalong ASEAN Regional Forum hinggil sa maritime security

(GMT+08:00) 2016-04-06 18:33:51       CRI

Pilipinas, punong-abala sa ikawalong ASEAN Regional Forum hinggil sa maritime security

MGA KINATAWAN NG 27 BANSA NAGTIPON SA MAYNILA. Nagsama-sama ang mga delegado mula sa 27 bansa para sa dalawang araw na pagpupulong ng ASEAN Regional Forum na nakatuon sa maritime security. May mga delegado mula sa Australia, Canada, China, South Korea at iba pang mga bansa sa rehiyon. Co-chair ang Pilipinas ng Estados Unidos at Japan sa pulong. Idinadaos ang pagpupulong sa Dusit Thani Hotel sa Makati City. (Melo M. Acuna)

KATATAGAN NG SEGURIDAD MAKAKAMTAN SA PAGTUTULUNGAN. Ito ang buod ng talumpati ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique A. Manalo sa harp ng mga delegado mula sa 27 bansa na dumadalo sa ASEAN Regional Forum, isa sa mga programa ng Association of Southeast Asian Nations. (DFA Photo)

SINIMULAN kaninang umaga ang ikawalong ASEAN Regional Forum Intersessional Meeting hinggil sa Maritime Security na magtatagal hanggang bukas.

Magkakasama ang may 103 opisyal mula sa mga bansang kabilang sa ASEAN, Australia, Canada, China, European Union, India, Japan, New Zealand, Pakistan, Republic of Korea, Russia, Sri Lanka, Timor Leste at Estados Unidos. Kasama rin ang ASEAN secretariat officials.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Department of Foreign Affaitrs Undersecretary for Policy Enrique A. Manalo na kasama ang Pilipinas sa pagtatangka at pagpupunyagi ng rehiyon na magkaroon ng rules-based maritine security architecture sa Asia.

Sinabi niya na interesado ang Pilipinas bilang isang maritime at archipelagic nation at pagtalima sa international law kabilang na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Sinabi niya na suportado ng Pilipinas ang pagkakaroon ng ASEAN community na magpapalakas ng maritime security at pagtutulungan kasabay ng pagpapatupad ng mga kasunduan hinggil sa karagatan mapayabong lamang ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon sa pamamagitan ng ASEAN at mekanismo ng ASEAN tulad ng ASEAN Regional Forum.

Kasama sa mga pag-uusapan ang mga hamon at pinakamagagandang gawain, legal frameworks at regional arrangements upang mapag-ibayo ang pagtutulungan. Nakatuon ang pulong sa seguridad at pagtutulungan, kaligtasan ng pagdaragat at kaayusan ng karagatan at sustainable development.

Pag-aaralan din ang ASEAN Political Security Community Vision 2015 at ang maritime security agenda. Pagbabalik-aralan din ang mga nagawa at ang ASEAN maritime-related bodies at mekanismo.

Co-chair ang Pilipinas ng Japan at Estados Unidos. Isa itong pagpupulong ng 27 mga bansang nag-uusap hinggil sa kapayapaan at seguridad sa Asia-Pacific region.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>