|
||||||||
|
||
20160405melo.mp3
|
INILUNSAD na kanina ang Listahanan II, ang database na naglalaman ng mga pangalan at tinitirhan ng mahihirap sa buong bansa. Ayon kay Secretary Corazon "Dinky" Juliano Soliman, ginawa ang pagtatala sa tulong ng akademya at mga dalubhasa sa statistics sa Pamantasan ng Pilipinas.
Napasok nila ang buong bansa at nakilala ang mga baguhan at dati nang naninirahan sa mga barangay. Ang migration pattern ay nababatid sa pamamagitan ng uri ng tahanan at bilang ng mga naninirahan sa bawat tahanan. Ang mahihirap na tinamaan ni "Yolanda" ay karaniwang marami ang bilang.
Ang mga nagsagawa ng pagtatala ay kinuha mula sa iba't ibang pook at hindi sa lugar na gagawan ng paglilista upang maiwasan ang pagkakaroon ng kulay politika.
Inamin ni Secretary Soliman na may mga politikong nakikiusap na kunin ang mga magsasagawa ng pagtatala sa kani-kanilang pook subalit tinanggihan ng DSWD ang mga kahilingang ito upang lumabas ang tunay na datos ng mahihirap sa mga barangay.
May tatlong antas na pagsusuri upang mabatid ang katotohanan sa mga imporasyong nakamtan ng enumerator. Tiniyak ni Secretary Soliman na magkaka-alaman kung tunay ang mga detalyes na napapalood sa talaan sa pamamagitan ng ibayong pagsusuri at pagsasala.
Tanging regional offices ng DSWD ang kumuha ng mga nagtala ng mahihirap sa iba't ibang barangay at walang sinumang naitalaga sa sariling bayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |