Mga bangko, pinag-iingat sa mga transaksyon
INATASAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bangko na maging maingat sa mga transaksyon, partikular sa pakikipagkalakal sa foreign exchange dealers, money changers at remittance agents.
Ayon umano sa anti-money laundering regulations sa ilalim ng Manual of Regulations for Banks, sinabi ni Deputy Governor Nestor A. Espenilla, Jr. na ang mga bangkong nakikipagkalakal sa foreign exchange dealers, money changers at tiyaking tatalima sa mga itinadhana ng Money Laundering and Terrorist Financing Prevention Program.
Kailangan umanong masuri ang mga nagbubukas ng deposito sapagkat may peligrong kaakibat ang pakikipagkalakal sa foreign exchange dealers, money changers at remittance agents. Dapat makikilala sila ng maayos, masuri at mapasailalim ng kontrol ang mga magbubukas ng bank account, dagdag pa ni G. Espenilla.
1 2 3 4