Canadian national, nagretiro sa Pilipinas
ANG pinugutang Canadian national, si John Ridsdel, ay isang executive ng isang kumpanyang sangkot sa pagmimina at umaasang magpapatuloy ng paglalayag sa kanyang yate bago dinukot ng Abu Sayyaf noong nakalipas na Setyembre.
Bago na-hostage, nakapagsalaysay pa si Ridsdel sa kanyang blog na masaya siyang maglayag sa kanyang yate na may pangalang Aziza. Ayon sa mga lumabas na balita, dating executive si Ridsdel ng TVI Mining.
Naglayag ang yate sa Samal noong dukutin ng mga Abu Sayyaf noong ika-21 ng Setyembre 2015. Sa dalawang video na ginawa ng Abu Sayyaf, nagmakaawa si Ridsdel na iligtas silasa pamamagitan ng pagbabayad ng US$ 6.4 milyon.
1 2 3 4