Pilipinas, punong-abala sa pulong ng transport ministers
NAGSAMA-SAMA ang transport officials at mga delegado mula sa 10-bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Makati City.
Pag-uusapan ang mga paraan upang magkaroon ng transport connectivity sa rehiyon. Ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Transportation and Communications ang magiging punong-abala sa 41st Senior Transport Officials Meeting.
May 120 mga senior transport officials at delegates at mula sa Dialogue Partners ang magpupulong hanggang sa Huwebes upang pagusapan ang iba't ibang mga proyekto at hakbang upang madali ang pagsasama-sama sa ASEAN region.
Binigyang-diin ni Assistant Secretary Sherielysse Bonifacio ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan. Kabilang sa dialogue partners ang People's Republic of China, European union, Japan, Republic of Korea at Russia. Malaki ang posiblidad na makasama sa pagtutulungan ang United Naitonsl Economic and Social Commission for Asia and the Pacific.
1 2 3 4