|
||||||||
|
||
160419melo.mp3
|
Messenger ng Philrem, humarap na sa Senado
PAGDINIG SA MONEY LAUNDERING, TULOY PA RIN. Tuwing Martes nagsasagawa ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee sa US$ 81 milyong money laundering mula sa salaping nakaw sa Bangkok Sentral ng Bangladesh. Makikita si Senador Teofisto Guingona III na nagtatanong sa isa sa resource persons sa pagdinig. (SENATE PRIB Photo)
SINABI ng messenger ng Philrem na inilagay niya ang P 90 milyong cash at may US$500,000 sa isang maleta, isang traveling bag at isang shoulder bag na dinala sa isang casino hotel samantalang nakalagay sa isang trolley.
Ang salapi ay sinasabing bahagi ng US$ 81 milyong ninakaw mula sa Central Bank ng Bangladesh na sinisiyasat ngayon ng Senado.
Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Mark Palmares, messenger ng Philrem na dinala niya ang salapi sa Solaire Resort and Casino sa Paranaque City noong ika-lima ng Pebrero sa utos ng kanyang amo, si Philrem President Salud Bautista.
Sinabi ni Palmares na kinuha niya ang salapi sa kanilang tanggapan sa Cityland sa Makati City at dinala ito sa Solaire mga ikapito't kalahati ng gabi. Mag-isa lamang umano siyang nagdala ng salapi.
Ipinaliwanag ni Palmares na isinakay sa isang trolley ang salapi at ibinaba lamang sa sasakyan ang salapi. May maleta, traveling bag ay isang bag na pambabae na maihahalintulad sa isang shoulder bag.
Naglalaman umano ang mga bag ng P90 milyon at may US$500,000 cash. Tinulungan umano siya ng kanyang tiyuhing si Ronilo Palmares, isang tsuper ng Philrem sa pagbababa ng mga bag mula sa sasakyan.
Siyang mag-isa na lamang ang nagtulak ng trolley sa VIP Room ng Solaire kung saan naghihintay si Bautista at iba pang mga mukhang Tsino na naghihintay sa kanya.
Ibinigay umano ni Palmares ang resibo kay Bautista at iniwan na ang trolley na may mga bag na naglalaman ng salapi.
Tinanong ni Senador Guingona si Bautista kung paano niya ibinigay ang salapi sa junket operator na si Weikang Xu.
Ayon kay Bb. Bautista, naroon din si Wong at nagpahayag na player niya si Weikang Xu kaya kinuha na lang niya ang passport at pinapirmahan ang resibo na kasama rin ni Kim Wong, isa sa ilang naglalaro sa money laundering scheme.
Nilagdaan umano ni Weikang Xu ang dokumento sa harap ni Bb. Bautista.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |