Kandidato sa pagka-konsehal, binaril, patay
ISANG kandidato sa pagka-konsehal sa Matnog, Sorsogon ang binaril at napaslang ng mga 'di pa nakikilalang mga armado kahapon ng mga ika-anim at kalahati ng gabi sa Barangay Pawa, Matnog, Sorsogon.
Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang Cayetano Gallanosa Oro, Jr. Samantalang nangangampanya ang kanyang koponan sa barangay, pinaputukan na lamang siya ng mga armado ng ilang ulit.
Tinamaan siya ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan na ikinasawi ng biktima. Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Matnog Police Station sa insidente.
1 2 3 4