Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mayor Duterte, nagkamali nga ba sa pagpili ng economic team?

(GMT+08:00) 2016-05-12 17:32:52       CRI

Mayor Duterte, nagkamali nga ba sa pagpili ng economic team?

TILA sumusunod si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa mga yapak ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagtahak sa elistang ekonomiya. Ito ang pananaw ng IBON, isang research group na sa naunang pahayag na magkakaroon ng pagbabago sa Saligang Batas ay nagpapakita lamang ng neoliberal economic policies na dahilan ng paghihirap ng mga Filipino sa 'di paglago ng ekonomiya.

Kailangan umanong susugan ang Saligang Batas na magpapaluwag ng pag-aari ng mga kumpanya. Ito ang matagal nang kahilingan ng mga banyagang mangangalakal at malalaking negosyante sa bansa.

Naniniwala ang IBON na ang malawak na balak ni G. Duterte para sa ekonomiya ay sa pamamagitan lamang ng pagpapahusay ng law and order situation upang gumanda ang kalakal samantalang mayroong mga mumunting social interventions tulad ng cash dole-out at farmer support.

May kalabuan umano ang economic platform ni G. Duterte at inamin na rin niya ang kawalan ng economic policy expertise kaya't magkakaroon ng malaking impluwensya ang kanyang economic team.

Kabilang umano sa economic team ang tagapayo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Governor Jose Sarte Salceda, dating agriculture secretary at negosyanteng si Carlos "Sonny" Dominguez III, UP School of Economics at ADB economist Professor Ernesto Pernia ang nabalitang nagpapayo kay G. Duterte.

Unti-unting nabubuo ang Dutertenomics bilang isang conventional elitist economic agenda. Sa pagkakatuloy ng orthodox neoliberalism ng nakalipas na panahon ang 'di kakikitaan ng kaunlaran samantalang mananatiling mahirap ang karamihan ng mga mamamayan sa susunod na anim na taon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>