|
||||||||
|
||
Monetary Board pinanatili ang monetary policy settings
NAGDESISYON ang Monetary Board sa kanilang pagpupulong kanina na panatiliin ang key policy rates sa 4.0% para sa overnight borrowing o reverse repurchase facility at 6.0% naman para sa overnight lending o repurchase facility.
Sa isang pahayag, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang RRPs at RPs kasama na ang special deposit accounts ay pinanatili din. Ang reserve requirement ratio ay hindi binago.
Ang desisyon ay mula sa assessment ng nagpapatuloy na pagkakaroon ng inflation environment. Ang latest forcasts ay nagpapatuloy na kakitaan ng average inflation na mananatili sa 3.0% plus or minus 1.0 percentage points para sa 2016-2017.
Ang Monetary Board ay nagsabing ang inflation ay mula sa suplly-side factors.
Ang inflation expectations para sa 2016 ay bumaba na rin dahil sa mababang inflation readings sa mga nakalipas na buwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |