Integridad ng election results, tiniyak
SINABI ni Comelec Chairman Andres Bautista na matatag at buo ang integridad ng kinalabasan ng halalan noong ikasiyam ng Mayo sa likod ng mga batikos ni Senador Ferdinand Rimualdez Marcos, Jr.
Unang sinabi ng Marcos camp na ang bagong script ang nailagay sa transparency server ng Parish Pastoral Counci for Responsible Voting upang mabawasan ang mga botong nakakamtan ng batang Marcos at mapaboran si Congresswoman Leni Robredo.
Di tulad ng ulat ng kampo ni Marcos na nagsabing may mga ipinasok bagong computer program ipinaliwanag ni Chairman Bautista na pinalitan ang "?" at ginawang "ñ."
Totoo ang nagbago ng script mula sa '?" at ginawang "ñ subalit kailanman ay di makakasisisa sa integridad ng lahat ng numbers o datos na may kinalaman sa integridad ng mga balota.
1 2 3 4