Mga Filipino, nakaboto na sa Bahrain
MATAGUMPAY na naipadala ang kinalabasan ng halallan sa pamamagitan ng Special Board of Canvassers sa Manama, Bahrain napinamunuan ni Ambassador Alfonso A. Ver. Naipadala na ang transmission ng election results mula sa dalawang presinto.
Nagtamo si City Mayor Rodrigo Duterte ng 75.06% ng mga boto samantalang pumangalawa si Manuel "Mar" Araneta II na nagtamo ng 9.87%. Nanguna naman si Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos sa pagkakaroon ng 44.97% ng mga boto at pumangalawa si Senador Allan Peter Cayetano na nagtamo ng 29.04%
Umabot sa 7,269 botante ang bumoto sa Embahada ng Pilipinas sa loob ng 30 araw ng overseas voting. Nagkaroon ng 39.30% ng mga botante mula sa 18,497 na makalalahok sana sa botohan.
1 2 3 4