Maayos na paglilipat ng Department of Finance, tiniyak
NAGKAUSAP na sina Finance Secretary Cesar V. Purisima at ang kanyang napipintong kahalili na si Carlos "Sonny" Dominguez III sa isang golf club sa Makati at napag-usapan ang transition process.
Hiniling umano ni G. Dominguez na ilan sa mga tauhan ni G. Purisima at ilang mga opisyal ng tanggapang saklaw ng kagawaran na manatili ng halos isang buwan upang matulungan siya.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Purisima na ang kagawaran ay naghahanda ng transition document na nagdedetalye ng mga nagaganap sa iba't ibang tanggapan, kanilang mga rentas, ang liability management, privitization, government-owned and/or controlled corporations at corporate affairs."
Sa ganitong paraan, makakakilos ng maayos ang bagong pamahalaan sa larangan ng mga prayoridad at mga proyekto. Ipagkakaloob din ni G. Purisima ang "DOF Manual of Institutional Knowledge" na matatapos sa huling linggo ng Hunyo.
1 2 3 4