Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Proklamasyon ng mga nagwaging senador, baka gawin sa Huwebes

(GMT+08:00) 2016-05-17 18:02:12       CRI

Proklamasyon ng mga nagwaging senador, baka gawin sa Huwebes

UMAASA si Election Commissioner Rowena Guanzon, sampu ng kanyang mga kasama na maproklama na ang mga nagwaging senador at party-list groups sa Huwebes.

Ayon kay Commissioner Guanzon, sinabi na ni Chairman Juan Andres Bautista na nakatakda na ang proklamasyon sa Huwebes. Hindi binanggit kung anong takdang oras sapagkat may ilan pang mga election results ang dumarating.

Ayon kay Commissioner Guanzon, magtutungo pa sila kay Senate President Franklin Drilon at kay Speaker Feliciano Belmonte bukas at magaganap ang proklamasyon sa Huwebes. Hinihintay pa nila ang transmitted results mula sa Northern Samar at Lanao del Norte.

May computation na nagaganap para sa party-list at kung anong bilang ng kanilang upuan sa Mababang Kapulungan. Depende umano sa total kaya't hihintayin pa ang lahat ng boto bukas.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>