Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, lumago ang ekonomiya ng 6.9% sa unang tatlong buwan ng 2016

(GMT+08:00) 2016-05-19 17:49:11       CRI


Pilipinas, lumago ang ekonomiya ng 6.9% sa unang tatlong buwan ng 2016

EKONOMIYA NG PILIPINAS, SUMIGLA. Ibinalita ni National Statistician Dr. Lisa Grace Bersales (pangalawa mula sa kaliwa) na sumigla ang ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng taong 2016. Karaniwang nasa 6.6% lamang ang nakakamtang kaunlaran subalit ngayong 2016 ay umabot sa 6.9%, dagdag pa ni Dr. Bersales. (Melo M. Acuna)

MATATAG NA EKONOMIYA ANG IIWANAN SA BAGONG ADMINISTRASYON. Ito naman ng sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel Esguerra (pangalawa mula sa kanan) sa ginawang briefing sa Centris, Quezon City kanina. Mababa nga lamang ang performance ng agriculture sector (-4.4%) sa likod ng magandang ipinakita ng Industry na 8.7% at Services na 7.9%. (Melo M. Acuna)

IBINALITA ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2016 at umabot ito sa 6.9%. Ang kaunlarang natamo ay higit pa sa inaasahan ng merkado sapagkat karaniwang nakakamtan ang 6.6% sa unang tatlong buwan ng bawat taon.

Sa isang press briefing kaninang umaga sa Centris sa Quezon City, sinabi ni Secretary Esguerra na sa pangyayaring ito, malaki ang posibilidad na makamtan ang 6.8% hanggang 7.8% sa buong taon ng 2016.

Magaganap ito kahit pa mahina ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Malugod na ibinalita ni G. Esguerra na ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumagong bansa sa rehiyon. Sinusundan ng China sa 6.7%, Vietnam sa 5.5%, Indonesia sa 4.9% at Malaysia na nagtamo ng 4.2% sa unang tatlong buwan ng 2016.

Nalulugod rin silang ipagkaloob sa susunod na pamahalaan ang isang matatag na ekonomiya lalo pa't nakamtan ang kaunlarang ito sa nakalipas na limang taon sa pagbabalik ng katatagan sa larangan ng politika at ekonomiya. Umaasa si Kalihim Esguerra na ipagpapatuloy ng susunod na pamahalaan ang kanilang nakamit na kaunlaran.

Hindi na nararapat pang pabayaan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang kaunlarang nakamtan sapagkat hindi pinansin ang Pilipinas noong dekada otsenta dahilan sa kawalan ng katiyakan sa larangan ng politika.

Mahalagang makita at madama ng mga mangangalakal ang katatagan ng democratic institutions at mananatiling maayos ang lahat kahit pa magpapalit ng administrasyon. Kailangan rin ang policy consistency upang mapanatili ang pananalig ng mga mangangalakal.

Mahalaga rin ang naging kontribusyon ng investments in durable equipment. Ang Fixed capital na isang pamantayan ng investment growth ay kinakitaan ng 25.5% growth at nakatulong ng 5.8% points sa real GDP growth. Umunlad rin ang sektor ng construction sa pagkakaroon ng 12% sa unang tatlong buwan kung ihahambing sa 7.6% sa huling tatlong buwan ng 2015 at 4.5% sa unang tatlong buwan ng 2015 samantalang ang capital outlays ng malalaking kagawaran ang kinakitaan ng pag-unlad. Umunlad rin ang private construction ng 7.1% mula sa 1.1% noong 2015. Ang ito ang nagpapakita ng senyales na magiging masigla ang ekonomiya sa mga susunod na bahagi ng taon.

Sa likod ng kaunalarang natamo, bagsak pa rin ang sektor ng pagsasaka. Sa unang tatlong buwan ng 2016, lumiit pa ang agriculture sector ng 4.4% mula sa halos walang galawan noong 2015. Nadama ang hagupit ng El Nino sa magkasunod na kwarter ng 2015 na maihahambing sa naranasan noong 1998. Sa pangyayaring ito, hindi naman tumaas ang halaga ng pagkain, dagdag pa ni Secretary Esguerra.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>