|
||||||||
|
||
NAMFREL: pinakamataas na voter turnout sa 2016 elections
MATAPOS ang pagsusuring ginawa ng liderato ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), sinabi ng samahan na kapuri-puri ang mataas na bilang ng mga botanteng lumahok sa halalan sapagkat umabot ito sa 81% para sa mga botante na nasa Pilipinas at umabot din sa 31% ang overseas voters na nagtungo sa mga konsulado at embahada sa iba't ibang bansa.
Noong halalang ginawa noong 2013, umabot lamang sa 76% ng mga botante sa Pilipinas ang lumabas at bumoto samantalang umabot lamang sa 17% ng mga Filipino sa ibang bansa ang lumahok.
Napuna rin ng NAMFREL ang mas mataas at mas mabilis na transmission gn election results na umabot sa 96% noong ika-12 ng Mayo o tatlong araw matapos ang halalan.
Higit na nabawasan ang election-related violence kaysa noong nakalipas na halalan sa mas magandang pagtutulungan ng Commission on Elections, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Nagkaroon ng 81 kaso noong 2013 samantalang umabot lamang sa 60 insidente ang naitala ngayong 2016. Mas maganda rin ang performance ng vote-counting machines.
Ayon sa NAMFREL, mas maganda ang Voters' Information and Education initiatives sa pagkakaroon ng tatlong presidential at isang vice-presidential debate.
Sa likod ng mga tagumpay na ito, nagkaroon pa rin ng misdelivery ng election paraphernalia sa Negros, Eastern Samar, Saranggani at Marinduque at maging sa Cebu Province kaya't nabalam ang halalan sa mga pook na itlo. Kulang at hindi tugma ang computerized voters list sa labas ng clustered precincts kaya't mayroong mga hindi na nakaboto.
Hindi rin nadakip ng Comelec ang mga tao at grupong lumabag sa mga batas ng halalan. May mga kandidatong nangampanya kahit bawal na ang panganganmpanya, mga election propaganda na inilagay sa mga hindi tamang lugar at iba pang pagkukulang.
Mahalagang pangaralan ng Comelec ang mga kandidato at pasunurin sa mga alituntunin, dagdag pa ng NAMFREL.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |