Senador Miriam Santiago, nailipat na sa isang pribadong silid
GUMANDA na ang lagay ni Senador Miriam Defensor-Santiago matapos magkaroon ng pneumonia.
Ayon sa pahayag ng kanyang tanggapan, nailipat na mula sa Intensive Care Unit tungo sa isang pribadong silid ang mambabatas matapos magkaroon ng komplikasyon sa kanyang kanser sa baga.
Maayos na ang kanyang kalagayan. Dumagsa ang kanyang mga kaibigan subalit pinagbawalan ng mga manggagamot dahil sa kalagayan.
Magtatapos na siya ng kanyang paglilingkod bilang senador sa huling araw ng Hunyo.
1 2 3 4