|
||||||||
|
||
Simbahan, paghuhusayin ang pagtugon sa mga kalamidad
SINIMULAN na ang pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan sa loob ng Simbahang Katolika sa pagtugon sa mga kalamidad sa pagsasama-sama ng sampung diyosesis na madalas tamaan ng mga sama ng panahon.
Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action makakasama na ang sampung pook na ito sa project PEACH ang European-Asian Partnership for Building Capacities in Humanitarian Action.
Ang European Union ang naglunsad ng proyekto sa Bangkok, Thailand na dinaluhan ni Caritas Internationalis President Luis Antonio G. Tagle, arsobispo ng Maynila. Sinimulan na itong ipinatupad noong Abril at magwawakas sa Marso ng 2018.
World Bank mismo ang nagsabing ang Pilipinas ang ikalawa sa pinakamadalas daanan ng masasamang panahon at peligrong mula sa pagbabago sa klima.
Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa Project PEACH ang mga bansang Bangladesh, India, Pakistan, Czech Republic at Romania., Ang Caritas Austria ang siyang punong abala sa pagpapatupad ng programa sa Europa.
Na sa ikatlong taon na ang NASSA/Caritas Philippines ng pagpapatupad ng pinakamalaking rehabilitation program ng Simbahang Katolika matapos hagupitin ng bagyong "Yolanda" noong 2013.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |