|
||||||||
|
||
20160628melo.mp3
|
Pangangailangan ng long-term development plan binanggit
LONG-TERM DEVELOPMENT PLAN, KAILANGAN. Sinabi ni outgoing Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na kailangang magkaroon ng long-term development plan upang matiyak na masusunod at maipatutupad ito sa mas mahabang panahon. Ani Secretary Esguerra, nakalulungkot na hanggang medium-term development plans lamang ang nagagawa ayon sa termino ng nakaluklok na pangulo ng bansa. Kabilang ito sa kanyang binanggit sa pagpapahayag ng detalyes ng Ambisyon2040, isang pag-aaral sa mithi ng mga Filipino sa susunod na 25 taon. (Melo M. Acuna)
SINABI ni outgoing Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na kailangan ang pagkakaroon ng long-term development plan upang matiyak ang pagkakaroon ng mga palatuntunang maipatutupad ayon sa pangangailangan ng bansa at mamamayan.
Sa isang briefing na itinaguyod ng National Economic and Development Authority at Economic Journalists Association of the Philippines sa Crowne Plaza Hotel sa Quezon City, sinabi ni Secretary Esguerra na ginawa nila ang Ambisyon 2040 ayon sa nagkakaisang mithi ng may 10,000 mga Filipino na lumahok sa pag-aaral.
Nagkaroon din ng 42 focused groups discussions at nabatid na karamihan ng mga Filipino ang nagnanais magkaroon ng matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa lahat. Ang mga layunin ng karamihan ng mga mamamayan ay hindi lamang pang-sarili kungdi para sa pamilya at bansa. Marami ang naghahangan na magkaroon ng maayos na buhay ng walang anumang kahirapan.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng sapat na kita at makapagpatapos ng mga supling sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Karamihan ng mga nakapanayam ang nagsabing sasapat na ang pinagsamang kita ng pamilya na may apat katao sa halagang P 120,000 bawat buwan, ayon sa halaga ng bilihin noong 2015.
Ipinaliwanag ni Secretary Esguerra na ang kinalabasan ng pag-aaral ay hindi reseta para sa republika kungdi para magkaroon ng maliwanag na kaalaman ang sinumang maluluklok sa pamahalaan. Mayroong matatag na kita kung may maayos na sahod, sapat na benepisyo at magandang incentives.
Sa larangan ng tahanan, marami ang nagsabi, 73% na nais magkaroon ng maliit na tahanan sa malaking lote. May 14% naman ang nagsabing gusto nila ng malaking tahanana kahit sa maliit na lote.
Karamihan ng mga tumugon sa pag-aaral ang nagsabing mas nais nilang manirahan sa Pilipinas kaysa magtrabaho sa ibang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |