Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangangailangan ng long-term development plan binanggit

(GMT+08:00) 2016-06-28 17:10:05       CRI

Mga magsasaka, makaka-asa sa Department of Agrarian Reform

MGA MAGSASAKA, HIGIT NA MAKAKAASA SA DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM. Ito ang tiniyak ni incoming Agrarian Reform Secretary Rafael "Ka Paeng" Mariano sa kanyang pagharap sa pambansang pulong ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo kanina. Mahalaga rin ang pananatili sa mga lupang kinalalagyan ng kanilang mga sakahan, dagdag pa ni G. Mariano.

TINIYAK ni incoming Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa mga magsasaka na magiging maganda ang magiging desisyon ng kanyang tanggapan sa mga susunod na araw.

Sa isang pulong na dinaluhan ng may 130 mga magsasaka at mga taong sumusuporta sa repormang agraryo mula sa iba't ibang lalawigan, sinabi ni G. Mariano na lahat ng magiging desisyon ng DAR ay papabor sa mga magsasaka.

Ito ang buod ng kanyang pahayag sa isang pulong sa repormang agraryo sa Claretian Seminary sa Quezon City.

Iba't ibang isyu ang ipinarating ng mga dumalo. Kailangan umanong maging matatag ang mga magsasaka sa pag-iingat sa kanilang mga nakamtang lupain kahit pa may mga humahadlang sa kanilang mga layunin.

Mahalaga ang pamumusisyon ng mga magsasaka sa kanilang mga lupaing binubungkal, dagdag pa ni G. Mariano.

Dadalaw din siya sa mga lalawigan tulad ng Negros Occidental, Negros Oriental, Leyte, Isabela, Iloilo, Sultan Kudarat at maging South Cotabato. Magpapatuloy ang mga aktibidad ayon sa Section 30 ng Republic Act 9700 na kilala sa pangalang CARPER.

Nagsimula ang pulong kahapon na kinatampukan nina incoming Senator Risa Hontiveros at Congressman Tom Villarin ng AKBAYAN.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>