|
||||||||
|
||
Pilipinas, iginagalang ang desisyon ng United Kingdom
SINABI ng Department of Foreign Affairs na nagdesisyon na ang mga mamamayan ng United Kingdom sa pamamagitan ng transparent at democratic process at naging sandigan ang rule of law kaya't iginagalang ng Pilipinas ang kinalabasan ng hatol ng mga mamamayan.
Pinahahalagahan ng Pilipinas ang relasyon nito sa United Kingdom na patuloy na lumalago at tumitibay sa nakalipas na 70 taon. Ang bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom ay umaabot na sa US$ 1.8 bilyon sa bawat taon sa larangan ng manufacturing at agricultural sectors.
Mayroon ding 200,000 mga Filipino at Filipino-British citizens at noong 2015, dumalaw ang may 154,589 na turistang mula sa United Kingdom.
Pinahahalagahan din ng Pilipinas ang relasyon nito sa European Union sa pamamagitan ng bilateral at bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Umaasa ang Pilipinas na magpapatuloy ang magandang relasyon nito sa United Kingdom at sa European Union sa mga susunod na taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |