Pagpasok ng mga kawal na Indones, legal
SINABI ni Director Peter Paul Galvez, tagapagsalita ng Department of National Defense, na walang anumang problema sa pagpasok ng mga tauhan ng Indonesia sa nasasakupan ng Pilipinas
Ayon sa opisyal, ayon sa 1975 border crossing agreement, pinapayagang makapasok sa karagatang saklaw ng Pilipinas kung may hinahabol na masasamang-loob ang mga Indones.
Magagamit rin ang kasunduang ito sa pagpasok ng mga kawal na Filipino sa nasasakupan ng Indonesia. Sa oras na magkaroon ng ganitong situwasyon, nasasabihan kaagad ang mga kawal ng Pilipinas upang magkaroon ng koordinasyon at pagsasanib ng operasyon sa pinakamadaling panahon. Ang kasunduang ito ang siyang nagpapalakas ng pagtutulungan upang masugpo at maiwasan ang tinaguriang transnational crimes.
1 2 3 4 5