|
||||||||
|
||
Pahayag ni Pope Francis, maliwanag
IPINAGPASALAMAT ni G. Rodolfo Diamante ang mensahe ni Pope Francis sa mga lumahok sa VI World Congress Against the Death Penalty sa Oslo, Norway.
Magugunitang sinabi ni Pope Francis na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang parusang kamatayan kahit ano pang krimen ang nagawa ng isang tao.
Lumahok sa pagtitipon sa Oslo ang mga kinatawan ng may 140 mga samahan mula sa buong daigdig.
Isang malaking paglabag sa kahalagahan ng buhay at maging sa dignidad ng pagkatao. Taliwas din ito sa balak ng Diyos sa madla at sa lipunan. Hindi rin ito masasabing angkop na parusa sapagkat nagpapayabong ito ng paghihiganti. Ang parusang kamatayan ay naipatutupad sa mga walang kasalanan at maging sa mga nasa likod ng krimen.
Bigay ng Diyos ang buhay na saklaw ang lahat, maging mga kriminal.
Sa panig ni G. Diamante, ikinalulungkot niya ang paninindigan ni incoming President Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan. Sa mensahe ng Santo Papa, malamang na magmura na naman si G. Duterte na nangakong ibabalik ang parusang kamatayan ng kanyang administrasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |