Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-apat na kawal, isang opisyal napaslang sa sagupaan

(GMT+08:00) 2016-08-30 18:17:42       CRI

Isang bilyong dolyar ang kailangan sa pag-aayos ng BNPP

PAG-AARALANG MABUTI NG PILIPINAS ANG ISYU SA KURYENTE. Nangako si Secretary Alfonso G. Cusi, secretary ng Department of Energy na kailangang pag-aralang ang mga angkop na hakbang tungo sa energy self-sufficiency. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi na nakatakda silang dumalaw sa darating na Huwebes sa hindi nagamit na Bataan Nuclear Power Plant upang alamin kung ano ang magagawa upang pakinabangan ang pasilidad na nagkakahalaga ng US$ 1.2 bilyon noong 1976.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Conference on the Prospects for Nuclear Power in the Asia Pacific Region kaninang umaga, sinabi ni Secretary Cusi na nagkasunod-sunod ang kontrobersya kaya't hindi na nagamit pa ang planta na binayaran ng bansa sa paglipas ng mga taon. Sa pagsisimula ng pagtatayo ng planta noong 1976, nagkaroon ng problema ang nuclear power plant sa Three Mile Island sa Estados Unidos noong 1979. Sinuri ang ginagawang pasilidad at sinabing mayroong 4,000 mga depekto.

Nagkasunod-sunod ang mga problema ng plantang nukleyar kaya't lumamig na ang pagkilala ng pamahalaan sa planta sa halip na pakinabangan pa ito.

Sa idinaos na press conference, kung mababatid ng lupon ng International Atomic Energy Agency, International Framework for Nuclear Energy Cooperation at ng mga dalubhasa sa Pilipinas na ligtas na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant, mangangailangan ito ng US$ 1 bilyon.

Idinagdag naman ni Senate President Aquilino L. Pimentel III na kailangan ng panukalang batas upang makapaglaan ng may P 44 o 45 bilyong piso para sa pag-aayos na plantang nukleyear.

Kabilang sa mga nagsalita sina Dr. Mikhail Chudakov, Deputy Director General at pinuno ng Department of Nuclear Energy ng IAEA at Dr. Alex Burkart, co-chairman ng Infrastructure Development Working Group ng IFNEC.

May 18 mga bansang kasapi sa International Atomic Energy Agency ang kalahok sa pulong tulad ng Bangladesh, Canada, Finland, Indonesia, Japan, Jordan, Kenya, Republic of Korea, Malaysia, Mongolia, Saudia Arabia, South Africa, Sri Lanka, Thailand, United Arab Emirates, United States of America, Viet Nam at ang Republika ng Pilipinas.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>