|
||||||||
|
||
Health program ng Cuba, kapuri-puri
IKINALUGOD ni Health Secretart Paulyn Jean B. Roselle-Ubial at ng kanyang mga kasama ang kanilang nakita sa kanilang pagdalaw sa Cuba, partikular sa kanilang health system. Nagkaroon ng pagpapalitan ng mga pananaw at impormasyon sa mga dalubhasang nasa Cuba.
Dumalaw sina Dr. Ubial at ang kanyang koponan mula noong Martes, ika-23 hanggang Biyernes, ika-26 ng Agosto. Sa tulong ng World Health Organization, binuo ang paglalakbay sa Cuba matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati.
Nakausap ng koponan ng mga Filipino ang mga dalubhasa sa Hermanos Amejeiras Clinical and Surgical Hospital sa Havana. Nakita nila ang makabagong teknolohiya dulat ng development ng organ at tissue transplant, complete surgeries kasama ang keyhole procedures.
Dumalaw din sila sa Escuela Latino Americcana de Medicina na nakapagsasanay na ng higit sa 27,000 manggagamot sa daigdig na kinabibilangan na ng mga Filipino. Nakadaupang palad ng tatlong manggagamot na nag-aaral sa Cuba sina Dr. Ubial at mga kasama.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |