|
||||||||
|
||
Phil. Movement for Climate Justice, tutol sa paggamit ng nuklear
PANAWAGAN. Nanawagan ang Philippine Movement for Climate Justice sa pamahalaan na huwag magpadalus-dalos sa desisyong tila papabod sa kakulangan ng kuryente sa bansa. (Melo M. Acuna)
NANINDIGAN ang mga kasapi ng Philippine Movement for Climate Justice na hindi tamang sagot ang paggamit ng nuclear power sa Pilipinas.
Mas makabubuti umanong bigyang halaga ang renewable energy kaysa kilalaning muli ang nuclear energy, Naniniwala ang samahan na isang paraan na naman ng pamahalaan na gamitin ang pagpupulong na gamiting muli ang Bataan Nuclear Power Plant.
Ayon kay G. Ian Rivera, executive director ng PMCJ, ang pagkilos na ito ng Department of Energy ay may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya't nababahala silang isusulong ang paggamit sa kontrobersyal na Bataan Nuclear Power Plant.
Kahit umano sumulong na ang teknolohiya, hindi pa rin napigilan ang nuclear meltdowns at major nuclear disasters tulad ng naganap sa Chernobyl sa Russia, partial meltdown sa Pennsylvania, United States of America at sa Fukushima, Japan na naging dahilan ng trahedya sa nakalipas na maraming taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |